Wednesday, December 5, 2007

trillanes tantrums

nakakainis na nakakatawa.
nakakainis kasi hindi na-cut ang klase.
nakakatawa kasi nag-tantrum sya.
kung hinahanap ni Trillanes ay isang world domination o isang rebolusyon o ang isang matinding pagbabago -- MALABO!
kasi naman umuulan :)
syempre walang sasama. at walang susuporta.
naniniwala ako sa kakayahan at katapangan nya, pero sa tingin ko masyado pa syang bata. hello, nag-tantrum nga eh! nakakahiya para sa isang senador na tulad nya.
ang tantrum nya na dumaan lang ng isang araw. nagkandabuhul-buhol ang trapik sa makati. nakakatakot, may tangke pa. ano to, kudeta?
kung ako tatanungin, ok lang. pero hindi cool ang curfew. ANG CORNY.
nataranta lahat sa curfew kasama si Geenie. pero safe naman sya nakauwi. ayun lang. na-badtrip lang ako sa tantrum nya. kung si Lacson o Honasan ang nagtawag, malamang sasama pa ko.
pero clear ko lang, hindi ako aktibista. ayoko rin kay GMA. pero sino papalit natin? pwedeng si Ate Vi. pero di nya ko fan, sorry na lang sya.
ayoko na ng curfew. sana wag na maulit.

p.s. Max, ang sarap mong tingnan ngayon. para ka lang dessert, para ka lang... UBE. pero ok lang yun kasi bagay sayo. nanibago lang ako. ngayon lang kasi kita nakitang naka-UBE. UBE UBE UBE...